PADER



Matatawag ba na bahay kung ito'y walang mga haligi?
Lumulutang na bubong, pilay na pinto, bintana'y 'di mayayari
Sa mga malalakas na ulan at hangin ay walang pananggalang
Kung walang haligi, ano ang haharang?

Sa totoo lang ang hirap mag-isip ng ireregalo
Sa mga tatay na espesyal sa araw na ito
Cake, sulat, FB message, o text? Ano'ng bago?
Nagmuni-muni, tula ang nabuo.

Itong tula na ito ay para sa aking mga ama
'Mga' dahil hindi lamang iisa
Papa, Father Kelly at Der Ex, ito po'y para sa inyo
Sana magdulot ng ngiti sa inyong mga labi kahit papaano.

PAPA, madalas naiinis sa ugali po ninyo
Nauubos ang pisi ng pasensya ko
Bakit nga ba ganoon ang mga anak,
Nakakalimutan ang sakripisyo ng mga magulang huwag lang kami mapahamak?

PAPA, hindi ka po perpekto, gayon din ako
Salamat po sa mga naibigay
Pero hihirit pa ako ng isa
Tahimik na bahay sana maibigay.

FATHER KELLY, kayo na po ang aking pangalawang ama
Dati hirap kayong kausapin kasi sa English pilipit ang dila (haha)
Kalahati ng buhay ko, hinubog po ninyo
Kinikilig at nagpapasalamat ako dahil isa po ako sa mga anak ninyo.

DER EX, hindi na po kita nabisita
Pero hindi po ibig sabihin ay nakalimutan na
Salamat po sa jokes na bentang-benta
'Pag may time ka po, balik po kayo sa Sagrada.

Ang bahay kailanma'y hindi matatawag na 'bahay' kung walang mga haligi...

Papa, Haligi ng aming pamilya
Father Kelly, Haligi ng ADF
Der Ex, Haligi ng simbahan

Happy 'Baba' Day po.


written by: loveluytakyo
SOURCE: photocory, photo from arvinbelvis.blogspot
June 15, 2014

Comments

Popular Posts