SARANGgola
Ang pag-ibig
ay tulad ng isang saranggola
May tali
ngunit nakakalipad
Hawak mo
pero malaya.
Nakikita ang
mundo, pero ikaw ang mundo
Mataas pero
bumababa pabalik sa’yo
Dahil ang
pagmamahal ay parang isang saranggola.
Payak,
walang arte pero makulay
Ganyan ang
pag-ibig, umiibig lang
Tulad ng
isang saranggola, lumilipad lang.
Ang
saranggola ay waring pag-ibig
May
koneksyon kahit magkalayo
Nararamdaman
kahit ‘di nahahawakan.
-pilosopo taKyo
Comments
Post a Comment