Silang Dalawang Ginoo na ang Ngala'y Iisa



May dalawang ginoo na sa aki'y nakakita
Pinansin ang kagandahang nakatago't hayag
Ngunit ako'y isang manhid na bulag
Sa iba nakatingin; nakatuon sa sariling nadarama.

Ang una'y nakilala nang ako'y labing anim
Kaibigan ko'y kaibigan niya kaya naging magkaibigan na
Magkakasama kaming naghanap mula umaga hanggang dilim
Hindi sinukuan ang pangarap na makapag-aral pa.

Ang ikalawa'y naging kaibigan nang ako'y kolehiyo na
Kabarkada't sa pag-aaral ay kasa-kasama
Malakas ang loob at ako'y tinanong
Ang sagot ko'y mali ang ating panahon.

Hindi man kayang hayagang bigkasin
Dama ko pa rin ang kanilang pagtingin
Mga mensahe ng pag-ibig na puro na lang pahaging
Hindi masabi dahil alam nilang ako'y may ibang hiling.

Taon ang kanilang hinintay
May napagod at may sadyang matibay
Paumanhin, puso'y kailangang lubos na palayain
Bago magpapasok ng bagong iibigin.

Sa'yo na may nakita ng iba
Salamat, sana kayo'y maging masaya
Sa'yo na ako pa rin ang nakikita
Bukas na ang puso at ang aking mga mata.

Takyo
10/15/14

Comments

Popular Posts