Nang Ni-Yolanda ang Pinas
Nang nabuo ang Yolanda sa bandang Pacifico
Umabot ito hanggang kategoryang kwatro
Natakot ang mga Pilipino
Kaya pinaghandaan umano ang napakalakas na bagyo.
Nang dumating ang Nobyembre otso
Pinasok ni Yolanda ang ating teritoryo
Visayas kanyang binayo nang todo
Iilang oras sa iisang araw, hinatid ay delubyo.
Nang natapos ang malakas na ulan, hangin at daluyong
Maraming kapwa Pilipino ang sumigaw ng “Tulong!”
Walang ari-arian ang hindi nagkalatay
Libu-libong Pilipino ang nasugata’t nangamatay.
Nang naisiwalat ang tindi ng iniwan
Para kang nabasted nang walang katapusan
Ang sakit sa puso, kurot na kurot
Tutulo ang luha sa sobrang lungkot.
Aba! Nagtrend sa Twitter si Atom Araullo
Pati #RescuePH ay promoted
Pati #RescuePH ay promoted
Parang nag-Yolanda ulit, ‘storm surge’ ng tulong ang hatid.
Nang nagtrend din ang #PrayForJustinBieber worldwide
Ang mga non-Bielibers hindi naghide
Bakit daw sumakit lang ang tiyan niya
#PrayForThePhilippines kinalimutan na.
Nang sumunod na mga araw
Mga bangkay at ‘zombies’
nagsilitaw
Buhay o patay, walang agarang tulong na natanggap
Mabagal na parang susô ang pag-usad.
Nang wala pa ring makain, mainom at matulugan
Ang lungkot ay napalitan ng inis at pagtataka sa mga kinauukulan
Bakit ang tagal? Bakit ang bagal? Bakit ang garapal?
Bilisan po naman! Huwag na po kasing ipalagay ang mukha sa trapal.
Nang si Yolanda’y naglaho
Muling nabuhay si Poncio Pilato
Sabon nang sabon, hugas nang hugas
Nang nanalo si Ariella sa Miss U, suot niya’y dilaw
Simbolo raw na pagkatapos ng bagyo’y muling aaraw
Simbolo raw na pagkatapos ng bagyo’y muling aaraw
Sa tuwing dadalaw, dilaw ang kadalasang suot ng ating pangulo
Curious lang po. Bakit kaya? Ano po kayang sinisimbolo?
Nang nasalanta ang mga kayumanggi
Nang nasalanta ang mga kayumanggi
Sinamahan tayo ng mga manilaw-nilaw, itim at puti
Walang amoy, walang wika, walang kulay
Meron o wala, umaalalay.
Nang nawasak ang halos buong Kabisayaan
Nabuo ang mga bansang nagbabanggaan
Taiwan, HK at China, tayo’y dinamayan
Isinantabi ang ngitngit kahit sandali lamang.
Marami yatang Pilipinong naasar sa kanya
Mali-mali raw kasi siya
Ika nga, “Truth hurts”
lalo na kapag galing sa banyagang dila.
Nang nasangkot naman ang nananahimik na relihiyon
Ang Roman Catholic at Iglesia ni Cristo nagkatensyon
Dahil sa litrato at FB account na ‘di mo alam kung totoo
“Hahaha. Tagumpay!” Sabi
ng gumawa nito.
Nang ni-Yolanda ang Pinas
Naganap ang lahat ng nasa taas.
Maraming namatay, pero may mga nabuhay (pag-ibig, pagmamalasakit at pagkakaisa)
Maraming nawasak, pero may mga nabuo (buong mundo)
Maraming tumangis, pero may mga lumigaya (sa pagkakawanggawa)
Maraming umalis, pero may mga dumating (na siksik, liglig at umaapaw na biyaya)
Maraming naglaho, pero may mga lumitaw (na nakatagong kabutihang loob)
May nasaktan, pero may nakapanakit (katotohanan na may pagkukulang)
Marami.
Marami pang ‘Yolandang’ darating panigurado
Sana naman may napulot tayong mga aral dito
Sana wala ng kailangang mamatay bago may mabuhay;
wala ng kailangang
mawasak bago may mabuo;
wala ng kailangang
tumangis bago may lumigaya;
wala ng kailangang umalis bago may
dumating;
wala ng kailangang
maglaho bago may lumitaw;
wala ng kailangang
masaktan at makapanakit;
wala ng kailangang
bagyo bago maipakita ang
ngiting
Pilipino.
Para sa mga tumulong, tumutulong at tutulong sa aking sinisintang
bansa,
sinulat ni: loveluytakyo
Nob 19, 2013
Comments
Post a Comment